September 30, 2006

~~Lumayo Ako~~

(Original post from my FS blog)

Iniwas niya ang mga kotse

nagpapatintero sa kalye

isang hakbang sa harap ng bus

Nagmamadali, wala sa sarili

naliligaw sa kalat-kalat na isip

nadama ang kalabit sa balikat

Excuse me? Siya’y naantig

Ako si kamatayan

I beg your pardon?

Kamatayan

Late na po ako, kailangan kong tumakbo

Wag kang magmadali

Seryoso ka ba? Wag nagyon

Seryoso, oo ngayon.

Marahil nagkakamali lang hu kayo

Hindi

Sigurado ka?

Sigurado

Pag-usapan natin ito

Kape?

Sige, malamang masarap magkape ngayon

Lahat naman gusto ng ganyan

Ng kape?

Na pag-usapan muna ito

Ito na lang ata ang tanging magagawa mo

Gatas at Asukal?

Oo, ngayon, ano ba ang pag-uusapan natin?

Tungkol saan?

Alam mo na, bakit ako, bakit ngayon?

Bakit hindi?

Hindi ko kasi ito inaasahan

Wala namang umasa ng ganito

Malamang, pero ganito,

May identipikasyon ka ba?

Hindi na ito kailangan

Malihim na tao. Wala, kahit papeles?

Wala

Hindi sa pag-uuyam, gusgusin na kasuotan?

Ibig kong sabihin, kahit tiklop lang sa salawal?

May problema ba?

Wala naman, pero. . .

Kakaiba?

Oo, este, hindi ko inaasahan

Ang ano?

Ang appointment. hindi ba masyado..

Alam mo naman pala..

Umm, siyempre kung iisipin

Kaya andito ako

Oo alam ko, pero parang panaginip

Ibig kong sabihin, dito at ngayon? Wala man lang tawag?

Tawag?

Walang katok sa pintuan, bat hindi ka kumatok?

Hindi ako kumakatok

Konting paghahanda sana

Buong buhay ang paghahanda

Jan ka na naman, masyadong matalinghaga

May mga bagay na kailangan kong tapusin muna

Di na kailangan

Madali lang sabihin, may mga obligasyon ako

Walang obligasyon

Kahit isang liham man lang, mga bagay na sasabihin

Sinabi mo na sana

Pero sino ang umaasa nito, sino ang nakakaalam?

Ikaw

Ano na lang ang iisipin nila kung bigla akong nawala?

Kakaunti lamang

Hindi masaydong komportable, siguradong magugulat

Hindi masyadong magugulat

May luluha, sila’y maghahagulgol at aasa sa pagbalik ko

Konti. Hindi lahat, hindi tatagal

Mamimiss nila ako, magdadalamhati, magdurusa

Hindi marami

Ngunit hindi ko ito lubos-isipin

Hindi mo ‘to problema

Pero akala ko, kahit papaano, mahalaga ang lahat ng ito

Marami nang nagsabi niyan

Saan tayo tutungo, ano ang itsura ng pook?

Tapos ka na sa kape?

Hindi masyado, may pagkakaiba ba?

Pwede ako gagamit ng ibang baso

Tama, ako rin, sagutin mo ako, saan tayo dadako?

Hindi dapat sabihin

Ganon ba. Asahan mo na susunod lang ako

Malamang

Kung hindi pa ako handa, tanggihan ka at anuman..

Hindi ito pinagpipilian

Pag-usapan nga natin, may iba bang daan?

Ang tagal ng kape

Ibig kong sabihin wala bang daang tapatan, anuman..

Masyado kang nagbabasa

Pinaalala mo ako, perong kung..

Parati itong nangyayari

Ano?

Nagtatagpo at nagsisimulang magpalagay

Natural lamang ito, ang pagdating mo kasi ay biglaan

Hindi ko masyado naiintindihan

Ang ano?

Paano ang hindi mapigilan ay nakakagulat

Okey, sige na, tama ka, ano na ngayon?

Ano?

Alam mo na, inom nang inom lang ba tayo?

Akala ko lang na gusto mo ng kape…

-o-

This is an original post from my friendster blog.
For more, click on the image below...


No comments:

Post a Comment